Free Bonus New Member up to ?1700, Philippines Online Casino

Nangungunang 10 pinakamahusay na boksingero sa buong panahon 2023, "Kings of the Ring"

2023/03/02
Content Guide

Mula sa hubad na kamao na awayan sa nakaraan hanggang sa matataas na pusta at teknikal na mga laban sa ngayon, ang boksing ay isang isport na gumawa ng ilang hindi kapani paniwalang sandali, at mas marami pang nakakahangang mga manlalaban.

Lahat ng sinumang umapak sa loob ng ring, at lumaban sa harap ng mga tagahanga ay isang mandirigma, gayunpaman, may ilang mga kampeon, na umangat sa lahat, nag-iwan ng hindi mabuburang marka sa isport at nagbibigay ng inspirasyon sa mga henerasyon na parating.

Kaya, ating parangalan ang mga alamat ng boksing na ito, at bilangin ang ating mga napili para sa mga nangungunang 10 na pinakamahusay na boksingero sa panahon ng 2023.

Nangungunang 10 pinakamahusay na boksingero sa buong panahon 2023: Roy Jones Jr.

No.10 Roy Jones Jr., Middleweight hanggang sa Heavyweight na boksingero

Si Roy Jones Jr ay naging aktibo mula 1989 hanggang sa 2018, at sa kabuuuan ng kanyang karera, siya ay nakaipon ng mga kahanga hangang rekord ng 66 na panalo at 9 na talo.

Si Jones ay nanalo ng titulong kampeonato sa mundo sa apat na magkakaibang klase ng timbang: middleweight, super middleweight, light heavyweight, at maging ang heavyweight. Sa tugatog ng kanyang karera, hinawakan niya ang iba't ibang mga titulo sa mundo, kabilang ang mga WBA, WBC, IBF, IBO, WBF (Federation) , IBA, at ang Ring light heavyweight na kampeonato.

Si Jones ay na-induce sa international boxing hall of fame noong nakaraang taon.

Nangungunang 10 pinakamahusay na boksingero sa buong panahon 2023: Henry Armstrong

No.9 Henry Armstrong, Featherweight hanggang Middleweight na boksingero

Si Henry Armstrong ay naging aktibo sa loob ng ring simula 1931 hanggang 1945, at siya ay nagdala ng bagong antas ng pananabik at prestihiyo sa mababang klase ng mga timbang.

Si Armstrong ay ang kampeon sa tatlong-dibisyon sa mundo, na gumawa ng kasaysayan sa pamamagitan ng pagpanalo sa mga titulo sa mundo sa featherweight, lightweight at welterweight. Ang kanyang paghahari sa welterweight ay partikular na kahanga hanga, ng siya ay magtala ng rekord na 19 na sunod sunod na depensa sa titulo.

Si Armstrong ay pinangalanang fighter of the year sa pamamagitan ng Ring Magazine noong 1937, at siya ay na-induce sa International Boxing Hall of Fame noong 1991.

Nangungunang 10 pinakamahusay na boksingero sa buong panahon 2023: Manny Pacquiao

No.8 Manny Pacquiao, Flyweight hanggang Light middleweight na boksingero

Si "Pacman" ay iang nabubuhay na alamat sa isport na boksing. Si Manny Pacquiao ay naging aktibo sa pagitan ng 1995 at 2021, at sa kanyang buong karera, siya ay nanalo ng hindi kapani paniwalang 12 na titulo sa mundo sa 8 magkakaibang klase ng timbang.

Siya ang tanging kampeon sa walong-dibisypn sa kasaysayan ng boksing. Sita ay nagsimula sa propesyonal na boksing sa edad na 16 at nanalo sa kanyang unang titulo sa mundo sa edad na 22 taong gulang lamang. Sa rekord na 62 na panalo, 8 na pagkatalo, at 2 draws si Pacquiao ay nangibabaw na puwersa sa loob ng ring. Siya ang may pinaka mataas na bayad na boksingero sa mundo noong 2015 at nagpatatag sa kanyang posisyon bilang hall of famer sa hinaharap, at isa sa pinaka mahusay na boksingero sa buong panahon.

Nangungunang 10 pinakamahusay na boksingero sa buong panahon 2023: Floyd Mayweather Jr.

No.7 Floyd Mayweather Jr., Super featherweight hanggang Light middleweight na boksingero

Ito ay maaaring tila kontrobersyal na pagpasok sa listahan, ngunit ang mga nagawa ni FLoyd Mayweather ay walang kapantay sa isport ng boksing. Siya ay nakipag kumpitensiya sa pagitan ng 1996 at 2017 at nanalo ng 15 na titulo sa mundo sa kabila ng limang klase ng timbang.

Kilala rin bilang "Money", si Mayweather ay naging may pinaka mataas na bayad na boksingero, at atleta rin. Siya ay nanalo sa Ring Magazine Fighter of the Year na parangal ng dalawang beses at pinangalanan ring fighter of the decade ng Boxing Writers Association of America.

Si Mayweather ay naretiro na may walang pagkatalo na propesyunal na rekord ng 50 na panalo at 0 na pagkatalo. At siya ay na induce sa International boxing hall of fame noong 2021.

Nangungunang 10 pinakamahusay na boksingero sa buong panahon 2023: Roberto Durán

No.6 Roberto Durán, Super featherweight hanggang Super middleweight na boksingero

Sa numerong 6, mayroon tayong maalamat na si Roberto Durán. Sa kanyang buong karera, siya ay nakaipon ng mga hindi kapani paniwalang mga rekord ng 103 na panalo at 16 na pagkatalo at humawak ng mga titulo sa mundo sa apat na magkakaibang klase ng timbang.

Ang pangingibabaw ni Durán sa lightweight na dibisyon ay partikular na kapansin pansin, ng nakamit niya ang kahanga hangang gawa na maging undisputed na kampeon sa klase ng timbang. Si Durán ay kilala sa kanyang walang humpay na presyon, pagsalakay, at mabigat na baba.

Siya ay na-induce sa isang International Boxing Hall of Fame noong 2007 at malawak na itinuturing bilang isa sa mga pinakamahusay na boksingero sa lahat ng panahon.

Nangungunang 10 pinakamahusay na boksingero sa buong panahon 2023: Sugar Ray Leonard

No.5 Sugar Ray Leonard, Welterweight hanggang Light heavyweight na boksingero

Malawakang itinuturing bilang isa sa pinakamahusay na boksingero sa kanyang panahon, si Sugar Ray Leonard ay nakipagkumpitensya sa loob ng ring simula 1977 hanggang 1997.

Si Sugar Ray Leonard ay lumaban lamang ng 40 na beses sa panahon ng kanyang propesyonal na karera, ngunit sa kanyang kaunting mga laban, nanalo siya ng mga titulo sa mundo sa isang napaka kahanga hangang limang klase ng mga timbang at hawak ang linear na kampeonato sa tatlong mag kakahiwalay na klase ng timbang. Si Sugar Ray rin ay naging isang undisputed na kampeon.

Ang kanyang kahanga hangang mga nagawa ay nakakuha sa kanya ng pagkilala bilang dalawang beses na Ring magazine na manlalaban ng taon, at siya ay na induce sa International Boxing Hall of Fame noong 1997.

Nangungunang 10 pinakamahusay na boksingero sa buong panahon 2023: Joe Louis

No.4 Joe Louis, Heavyweight na boksingero

Sa kabuuan ng kanyang karera sa boksing simula 1934 hanggang 1951, ipinagmalaki ni Joe Louis ang kanyang kahanga hangang rekord ng 63 na panalo na may 3 talo lamang.

Bilang pinakamatagal na naghaharai sa heavyweight na kampeon sa buong mundo, si Louis ay humawak ng NBA, NYSAC, at The Ring heavyweight na titulo sa buong dekada, gumawa ng 25 na magkakasunod na depensa sa titulo, na naitala sa mundo hanggang sa ngayon.

Si Joe Louis ay pinangalanang Magazine Fighter ng taon ng 4 na beses. Siya ay pumanaw sa edad na 66, gayunpaman, ang kanyang alaala ay nabubuhay bilang isa sa pinaka mahusay na boksingero sa buong panahon.

Nangungunang 10 pinakamahusay na boksingero sa buong panahon 2023: Rocky Marciano

No.3 Rocky Marciano, Heavyweight n boksingero

Si Rocky Marciano ay nakipagkumpitensiya sa heavyweight na dibisyon simula 1947 hanggang 1955, at sa pamamagitan ng kanyang kahanga hangang karera, siya ay nakaipon ng wala pang talo na rekord ng 49 na panalo at 0 na pagkatalo.

Siya ay naghari bilang undisputed na heavyweight na kampeon sa mundo at dinipensahan ang kanyang mga titulo ng anim na beses bago nagretiro bilang isang unified na kampeon sa mundo.

Sa kasamaang palad, Si Rocky Marciano ay pumanaw sa edad na 45 taong gulang lamang. Gayunpaman, ang kanyang alaala ay nabubuhay bilang isa sa pinakamahusay na boksingero na tumuntong sa loob ng ring.

Nangungunang 10 pinakamahusay na boksingero sa buong panahon 2023: Sugar Ray Robinson

No.2 Sugar Ray Robinson, Lightweight hanggang Light heavyweight na boksingero

Si Sugar Ray Robinson ay nararapay na makakuha ng pangalawang pwesto mula sa aming listahan. Sa kanyang buong karera, na nagtagal simula 1940 hanggang 1965, si Robinson ay nakakuha ng mga titulo sa buong mundo sa dalawang klase ng timbang at ipinagmamalaki ang tatlong pinakamahabang sunod sunod na pagkapanalo sa propesyunal na kasaysayn ng boksing, na may kahanga hangang 91.

Nakamit niya ang boksing rekord ng 128 na panalo, 1 pagkatalo at 2 draws lamang, na may 84 na knockout na panalo sa kanyang pangalan. Siya ay kinilala ng marami bilang pinakamahusay na pound-for-pound na manlalaban sa kasaysayan ng boksing, at pinangalanang "Welterweight of the Century," at "Middleweight of the Century," ng The Ring Magazine.

Si Sugar Ray Robinson ay pumanaw noong 1989 sa edad na 67 taong gulang, ngunit ang kanyang pamana ay nabubuhay sa international boxing hall of fame.

Nangungunang 10 pinakamahusay na boksingero sa buong panahon 2023: Muhammad Ali

No.1 Muhammad Ali, Heavyweight na boksingero

Sa tuktok ng ating listahan, mayroon tayong nag iisa lamang, ang pinakamahusay, Muhammad Ali. Sa kanyang di malilimutang personalidad, nakakabighaning talumpati, at walang kaparis na abilidad sa boksing, nabighani ni Ali ang puso ng kanyang mga tagahanga sa buong mundo at naging pinaka kilala, at may pinakamalaking bayad na boksingero sa kanyang panahon.

Simula sa gintong medalya sa 1960 Olympics, si Ali ay nagpatuloy na gumawa ng kasaysayan bilang kauna unahang boksingero na naging tatlong beses na heavyweight na kampeon sa buong mund. Ang rekord na nanatiling hindi nasisira hanggang ngayon.

Sa rekord ng 56 na panalo at 5 talo lamang, si Ali ay na induce sa International Boxing Hall of Fame noong 1990.

Ang EsballPH ay ang pinakamahusay na laro ng slot online casino sa Pilipinas.
Pagkatapos mag-log in, maaari mong tangkilikin ang new member register free 100 ngayon.

Simula sa 2024, maaari kang makakuha ng 100 free bonus casino no deposit philippines.
Bilang karagdagan, mayroon kaming iba pang mga diskwento at mga hangganan na naghihintay para sa iyo na mag-claim kaagad.

You can also click to enter the Online Casino Bonus & free 200 promotion introduction, which provides more diverse casino bonuses.


Share Facebook Facebook
Share Telegram Telegram
Share Twitter Twitter
Share Pinterest Pinterest